
Ikinababahala ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Center o CICC na posibleng magamit ang pekeng mensahe bilang ebidensya laban sa mga opisyal ng pamahalaan.
Ito’y kasunod ng maraming reklamo tungkol sa spoofing messages na tila ginagamit pa umano sa transaksyon sa flood control scandals.

Tuluyan nang ibinasura ng Kamara ang mga reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pagtibayin ang dismissal sa plenaryo ng Kamara.
Nangangahulugan ito na sa loob ng isang taon, walang impeachment proceeding na maaaring simulan laban sa Pangulo.

Habang umiinit ang mga diskusyon at bangayan kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea, nagbabala ang Philippine Navy na maaaring natatabunan ang mas mahalagang usapin.
Anila, bahagi umano ito ng mas malawak na estratehiya ng China upang ilihis ang atensyon ng publiko at pag-aaway-awayin ang mga Filipino.

Irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na isailalim sa preliminary investigation ang 3 senador na idinadawit sa isyu ng anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.
Kumpiyansa si Blue Ribbon chairperson Senator Panfilo Lacson na makakakuha sila ng sapat na bilang ng pirma para sa isinasapinal na committee report.

Ilang dokumento na kabilang sa tinaguriang Cabral files ang hindi umano makita ng Office of the Ombudsman mula sa computer ng yumaong DPWH official na si Undersecretary Catalina Cabral.
Tiniyak naman ni Ombudsman Crispin Remulla na may ilang kaso na malapit na nilang isampa sa korte kaugnay ng flood control scandal.
Gayunman, tumanggi siyang tukuyin kung sinu-sino ang mga posibleng kakasuhan.