
Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na wala pang nagaganap na pagsabog sa Bulkang Mayon sa kabila ng pag-ulan ng abo kahapon sa probinsya ng Albay.
Paliwanag ng ahensya, pag-gulong ng lava ang nangyari. Samantala, patuloy na nadaragdagan ang magma deposit.

Pinamamadali ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang pagtatayo ng temporary Panul-Iran Bridge sa Iligan City matapos itong masira dahil sa pananalasa ng Bagyong Basyang.
Samantala, ipinag-utos din ng kalihim na magsagawa ng dredging o pagpapalalim sa Iligan River.

Patuloy na pinag-aaralan ng Malacañang ang kaso ni Mary Jane Veloso.
Sagot ito ng palasyo sa panibagong panawagan ni Veloso na mabigyan na siya ng executive clemency.

Lumagda sa isang kasunduan ang Estados Unidos at Armenia para sa kooperasyon sa nuclear energy.
Sa ilalim ng 123 agreement, inaasahang mas lalalim pa ang ugnayan ng dalawang bansa at mababawasan ang pagdepende ng Armenia sa Russia para sa nuclear power.

Mahigpit ang panawagan ng pamahalaan o mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa pag-upload ng mga larawan o video sa mga artificial intelligence o AI platform, lalo na ng mga bata.
Ayon sa mga awtoridad, nagagamit ang AI para sa child-sexual abuse.