
Tuluyan nang ibinasura ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pagtibayin sa plenaryo kahapon ang mosyon para sa dismissal.
Ayon sa Kamara, idinismis ang mga reklamo dahil sa kakulangan ng substansya at sapat na batayan upang maituring na impeachable offense ang mga alegasyon laban kay PBBM.

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 21 priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na target itulak ng administrasyon pagsapit ng Hunyo 2026.
Kabilang sa mga inaprubahan ng Pangulo ang panukalang pag-alis ng travel tax, pagtatatag ng Independent People’s Commission, at pagpapatibay ng mga hakbang kontra fake news at digital disinformation.

- Reklamong impeachment vs PBBM, tuluyan nang ibinasura ng Kamara
- Computer ni Cabral nabuksan na; ilang files, hindi umano makita ayon sa Ombudsman
- 3 senador na iniuugnay sa flood control anomaly, irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na isailalim muna sa imbestigasyon sa halip na sampahan agad ng reklamo

Handang suportahan ng Buckingham Palace ang mga pulis sa kanilang imbestigasyon sa pagkakasangkot ng kapatid ni King Charles na si Andrew Mountbat.

Kabi-kabilang protesta ang sumiklab sa Australia kasabay ng pagbisita ni Israeli President Isaac Herzog sa bansa upang makiramay sa mga naulila at biktima ng Bondi Beach attack.
Mariing tinututulan ng mga nagpoprotesta ang pagtanggap ng pamahalaan ng Australia sa Israeli leader at nanawagan na arestuhin ito dahil sa mga krimen na nagawa laban sa Palestinian community.