
Walang online adoption na isinasagawa ang National Authority for Child Care o NACC para sa mga nais mag-ampon ng bata.
Ikinababahala ng ahensya ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga sanggol na ilegal na ibinebenta online.

Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng administrasyon sa sektor ng agrikultura para masiguro ang suplay ng pagkain sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ngayong taon ay malaking budget ang inilaan ng pamahalaan para matulungan ang sektor, partikular na ang mga magsasaka.

Naglabas ng panibagong warrant of arrest ang San Pablo City Regional Trial Court laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at 5 pang akusado kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Kasabay nito, itinaas naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pabuya sa sinumang makapagtuturo o magbibigay ng impormasyon para sa pag-aresto sa kanya.

Dalawang bahay sa isang exclusive subdivision sa Makati City ang pinuntahan ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation dahil sa impormasyon na naroon umano ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ngunit matapos ang search operations, hindi pa rin nakita ang negosyante.

Malaking tulong sa Department of Public Works and Highways ang mga ebidensyang nakalap ng Independent Commission for Infrastructure o ICI, ayon kay Secretary Vince Dizon.
Partikular na binigyang-diin ng Kalihim ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.