
Inaprubahan ng US House of Representatives ang resolusyon na babawi sa taripang ipinatupad ng Trump administration sa mga produkto mula sa Canada.
219 na Kongresista ang bumoto pabor sa panukala habang 211 lang ang kontra, kaya aakyat na ito sa Senado at maghihintay ng pag-apruba at pirma ng Pangulo, na itinuturing na malabong mangyari.

Naniniwala si Taiwan President Lai Ching-te sa matibay na ugnayan ng kanyang bansa sa Estados Unidos sa gitna ng tumitinding banta mula sa China.
Giit niya, ang kapayapaan sa Indo-Pacific ay nakasalalay sa malakas na depensa at matibay na kooperasyon ng mga kaalyado.

Lumagda sa isang memorandum of understanding ang iba't ibang grupo sa pangunguna ng Mayors for Good Governance upang palakasin ang kanilang programa kontra korapsyon sa pamahalaan.
Layunin din ng kasunduan na maisulong ang maayos at makataong pamamahala sa lahat ng komunidad sa bansa.

Inusisa sa pagdinig ng House Committee on Transportation ang kumpanyang may-ari ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa katubigan ng Basilan gayundin ang Maritime Industry Authority o MARINA.
Kinuwestyun kung bakit pinahihintulutan pang makapaglayag ang mga vessel nito gayong ilang beses nang nasangkot sa maritime incidents.

Dumalo sa preliminary investigation ng reklamong plunder si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kanina sa Department of Justice.
Ayon sa tagapagsalita ni Revilla, naghain ng manifestation ang state witnesses at kapwa-akusado ng dating senador na hindi sila sasagot sa preliminary investigation sapagkat discharged o inalis na sila bilang respondent.
Kaugnay nito, duda na ang kampo ni Revilla kung paano mapapatunayan ang elemento ng conspiracy kaugnay ng plunder.