
Posibleng maharap sa reklamo ang driver ng kotse na nakabangga sa estudyante na umano’y tumalon sa Fernando Poe Jr. Station ng LRT sa Quezon City kahapon.
Samantala, nangako ang Light Rail Manila Corporation sa Quezon City Police District na muli nilang pag-aaralan ang umiiral na safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Mas makabubuting palitan na ang tagapagsalita ng Chinese Embassy sa bansa.
Ito ang inihayag ni Senator JV Ejercito sa gitna ng palitan ng maiinit na pahayag sa pagitan ng ilang miyembro ng Senado at ng naturang Chinese diplomat.
Tinawag naman ni Senator Raffy Tulfo na “balat-sibuyas” ang China.

Tuluyan nang magsasampa ng pormal na reklamo sa Office of the Ombudsman ang Department of the Interior and Local Government laban sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ihahain sa susunod na linggo ang kaso laban sa 40 kawani ng ahensya.

Nagsagawa ng ikalawang campus career caravan ang Department of Public Works and Highways ngayong araw sa De La Salle University sa Maynila.
Layunin nitong makahikayat ng mga kabataan na magtrabaho sa ahensya upang mapunan ang mga bakanteng posisyon sa DPWH ngayong taon.

- Umano’y ebidensya sa involvement ni PBBM sa flood control kickbacks, hawak ng isang mambabatas
- ‘Freedom of expression’ ng Senado at China, inirerespeto ng palasyo
- Imbestigasyon sa plunder complaint vs. former Sen. Revilla at Sen. Estrada, itutuloy ng DOJ