
Itinanggi ni Senador Panfilo Lacson ang umano'y kampihan para sa liderato ni Senate President Tito Sotto III sa Senado. Ito ay sa gitna ng isyu ng dalawang senador na nasasakdal sa International Criminal Court (ICC).

Naghahanda na ang iba't ibang anti-corruption advocate groups para sa February 25 protest na isasabay nila sa ika-apatnapung anibersaryo ng Most Peaceful Revolution.

Dumating sa tanggapan ng national bureau of Investigation Cybercrime Division ang content creator na umano’y nagpost ng pekeng medical certificate ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit sa panayam kay Jack Argota, sinabi niya na pinagpaliwanag lang umano siya sa NBI tungkol sa kaniyang post.

Ini-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagtakbo sa pampanguluhang eleksyon sa taong 2028.
Kasabay nito ay humingi ng tawad ang bise presidente kaugnay ng ilang isyung pambansa.

Tumanggi munang magkomento ang abogado ni former President Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman kung personal na dadalo ang dating pangulo sa confirmation of charges hearing nito sa International Criminal Court (ICC).