
Humingi na ng paumanhin ang Sangguniang Kabataan Chairman na nag-viral matapos ang paghahawakan ng mga pagkain sa isang convenience store.
Umani ng mga batikos sa social media ang isang video kung saan makikita ang SK Chairman na si Mark Adrian Napiza mula sa Sta. Cruz Laguna, na hinawakan ang mga siopao at hotdog na nasa loob ng steamer.

Naglabas ng public advisory ang Philippine Coast Guard laban sa mga nagpapanggap na mula sa Office of the Commandant o mga tauhan nito at umano'y kumikilos sa ilalim ng direktiba ng PCG.

Arestado ng Bureau of Immigration ang apat na foreign nationals sa magkahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija at Iloilo dahil sa paglabag ng mga ito.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration ang apat na dayuhan at nahaharap sa posibleng deportation.

Inihayag ng Department of Justice na maaaring makipag-ugnayan ang pamahalaan ng Pilipinas sa International Police Commission o Interpol kaugnay ng posibleng warrants of arrest na ilalabas ng International Criminal Court laban sa ilang dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan.

Tiniyak ng Philippine Coast Guard ang pagbibigay ng suporta sa isasagawang West Philippine Sea mission ng civil society organizations.
Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson for West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, malaking bagay ang mga ganitong misyon sa gitna ng patuloy paninindigan ng Pilipinas para sa karapatan sa mga teritoryo.