
Magpapatawag ng caucus ang Senado upang talakayin ang hakbang ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na nagbanggit kina Senador Bong Go at Ronald Bato dela Rosa bilang umano’y mga kasamang may pananagutan sa mga pagpaslang na naganap noong kasagsagan ng war on drugs ng Duterte administration.

Itinuturing na diversion at distraction ng ilang kongresista ang pag-anunsyo ng political plan para sa 2028 ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa mga Makabayan lawmakers, ang dapat harapin ngayon ng bise presidente ay ang mga alegasyon ng korapsyon dahil sa umano’y maling paggamit nito ng confidential funds.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

Ayon sa survey na isinagawa ng OCTA Research, 61% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi pinapahalagahan ng mga inihalal o ibinotong opisyal ng gobyerno sa Kongreso at lokal na pamahalaan ang kanilang pananaw.
Samantala, 31% naman ang nagsabing may pagpapahalaga ang mga politiko habang 9% ay undecided.

Apat pang mga Pilipino ang prisoners of war sa Ukraine, ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Inihayag ito ni DFA Spokesperson Angelica Escalona sa isang panayam kahapon.
Nagsilbing mga mersenaryo ng Russia ang apat na Pilipino bago sila nabihag sa Ukraine.