
Isang rider sa Bacolod City ang hinihinalang nagtamo ng deformity sa kanyang balikat matapos ma-out balance ang minamanehong motorsiklo.
Agad namang nagtungo ang UNTV News and Rescue Team sa lugar ng insidente bilang tugon sa tawag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office upang maglapat ng paunang lunas.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala tungkol sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo, marami pa rin ang nahihirapang iwasan ang bisyong ito.
Kaya naman muling nagpaalala ang Department of Health at nagbigay ng mga gabay para sa mga nagnanais tumigil sa paninigarilyo at vaping.

Isang bagong defense plan ang inilunsad ng Canada na layong unti-unting bawasan ang pagsalig nito sa Estados Unidos sa usaping seguridad.
Kasama rin sa estratehiya ang pagpapalakas ng sariling defense industry ng bansa at pagtitiyak ng soberanya sa harap ng lumalalang banta sa mundo.

Naglabas ang Estados Unidos ng bagong detalye kaugnay ng umano’y underground nuclear test ng China noong June 22, 2020.
Ayon kay Assistant Secretary of State Christopher Yeaw, may naitalang seismic event na hindi tugma sa pagmimina o lindol.

Muling iginiit ng Iran na hindi ito naghahangad ng nuclear weapon at handa itong sumailalim sa anumang beripikasyon.
Kasunod ito ng ikalawang yugto ng nuclear talks sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Switzerland, kung saan sinabi ng kinatawan ng Tehran na may nabubuong pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa.