
Nasa korte na ang pagpapasya kung papayagang bumiyahe sa labas ng bansa sina Senator Jinggoy Estrada, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, at iba pang respondent sa reklamong plunder na may kinalaman sa flood control scam.
Ginawa ng Department of Justice ang pahayag matapos maglabas ang hukuman ng precautionary hold departure order laban sa mga ito.

Mas mahirap nang labanan ang disinformation ngayon, lalo na kung ito ay nagmumula mismo sa mga halal na opisyal ng pamahalaan, ayon kay Commodore Jay Tarriela.
Samantala, naniniwala ang isang dating senador na may gustong pigilan ang pagsusulong ng Pilipinas ng Code of Conduct sa ASEAN, kaya patuloy pa rin ang pagkalat ng disinformation kaugnay ng West Philippine Sea.

Tuloy-tuloy ang koordinasyon ng National Capital Region Police Office sa iba’t ibang local government units at organizers ng mga magsasagawa ng rally sa February 25.
Layunin nitong matiyak na masusunod ang mga itinakdang guidelines upang hindi mauwi sa gulo ang paggunita sa anibersaryo ng People Power at ang isasagawang Trillion Peso March.

Inihayag ni Jack Argota na pagtaas lamang ng engagement sa social media ang motibo niya kaya nagpost ng pekeng medical certificate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon naman sa National Bureau of Investigation, wala pang inihahaing reklamo laban sa naturang content creator, ngunit patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, sinabi ng Palasyo na hindi sapat ang paghingi nito ng tawad, lalo na at nakaapekto ang kumalat na fake news sa publiko.

May kani-kaniyang reaksyon ang ilang senador hinggil sa pagdeklara ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagkapangulo.
Samantala, inihayag ni Senator Risa Hontiveros na pipiliin ng oposisyon ang kanilang standard bearer bago o sa unang quarter ng 2027.