Muling iginiit ng Iran na hindi ito naghahangad ng nuclear weapon at handa itong sumailalim sa anumang beripikasyon.
Kasunod ito ng ikalawang yugto ng nuclear talks sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Switzerland, kung saan sinabi ng kinatawan ng Tehran na may nabubuong pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa.






















