Back

UNTV News and Rescue

1:02
Entertainment

Ahtisa Manalo, nagpaalam na sa kanyang pageant journey

November 24, 2025 7:56 PM
PST

Matapos ang kanyang matagumpay na pagsabak sa 74th Miss Universe pageant, nag-post si 2025 Miss Universe 3rd Runner-Up Ahtisa Manalo ng compilation ng kanyang pageant journey.

Sa serye ng mga video, ibinahagi niya ang kanyang pagbalik-tanaw kung paano siya nagsimulang sumali at lumaban sa mga pageant.

2:09
Politics

Ukraine, nahaharap sa matinding pressure upang aprubahan ang draft peace plan na binuo ng U.S.

November 24, 2025 7:57 PM
PST

Patuloy na tumitindi ang pressure sa Ukraine dahil sa proposed peace plan ng Trump administration upang wakasan ang Russia-Ukraine war, na pinangangambahang magbibigay ng mas malaking bentahe sa Russia.

3:04
Crime & Investigation
Politics

Pagdinig sa 5 ghost flood control projects sa Bulacan, pinalawig hanggang Nov. 28 - DOJ

November 24, 2025 7:56 PM
PST

Pinalawig ng Department of Justice (DOJ) hanggang Biyernes, Nov. 28 ang pagdinig sa mga reklamo kaugnay sa 5 ghost flood control projects sa 1st District ng Bulacan.

Ayon sa DOJ, sa kalagitnaan ng Disyembre ay inaasahang may desisyon na kung dapat bang kasuhan ang mga respondent.

4:06
Politics

2nd 'trillion-peso march rally', walang planong pabagsakin ang pamahalaan - organizers

November 24, 2025 7:55 PM
PST

Naghahanda na ang ilang pribadong grupo para sa ikalawang Trillion Peso March Rally sa darating na November 30.

Iginiit ng Trillion Peso March Movement at Catholic Bishops Conference of the Philippines na wala silang planong pabagsakin ang pamahalaan.

Tiniyak din nila na hindi sila susuporta sa anumang paggamit ng militar o hakbang na labag sa konstitusyon.

2:21
Politics

Civil-military junta, balak ng ilang retired police, military officers – Sen. Lacson

November 24, 2025 7:55 PM
PST

Balak umano ng ilang retired police at military officers na magsagawa ng civil-military junta.

Kinumpirma ito mismo ni Senator Panfilo Lacson matapos siyang makatanggap ng imbitasyon mula sa grupo.

Plano aniya ng ilang partisan group na pabagsakin ang gobyerno.