Naniniwala ang prominenteng kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na propaganda at legal strategy lamang ang pinakahuling pahayag ng dating presidente kaugnay ng International Criminal Court o ICC.
Patunay din aniya itong kayang ipagtanggol ni Duterte ang kaniyang sarili sa gitna ng kinakaharap na kasong crimes against humanity.






















