
Maagang sinalubong ng barko ng China ang 2 araw na pagsasanay ng mga barko ng Philippine navy, Australia at Canada sa West Philippine Sea.
Bahagi ito ng nagpapatuloy na multi-lateral maritime cooperative activity ng Pilipinas kasama ang mga kaalyadong bansa.

Isang pamanang laban sa mga susunod na henerasyon.
Ito ang naging panawagan ni Commodore Jay Tarriela, ang spokesperson ng PCG para sa WPS kaugnay sa kahalagahan ng ating karapatan sa West Philippine Sea.
Para sa tagapagsalita ng PCG, mahalagang nauunawaan ito ng susunod na pangulo ng bansa.

Opisyal nang nagtapos ngayong araw ang Exercise Alon 2025 na isinagawa sa area command ng Northern Luzon at Western Command kung saan nagsanay ang iba't ibang major services ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasama ang Australian Defense Force.

Inalis na ng China ang kanilang tugboat sa Ayungin Shoal na pinanggalingan ng mga espekulasyon na posibleng pinaplano ng mga Chinese na hilahin ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa naturang bahura.
Sa kabila nito, ayaw namang magpakakampante ng Sandatahang Lakas ng bansa kahit pa nabawasan na ang mga barko ng China sa naturang lugar sa West Philippine Sea.

Sa gitna ng masungit na panahon, muling sumabak sa military exercises ang mga tropa ng Pilipinas at Australia na idinaos sa Nueva Ecija.
Tampok sa live fire exercises ang mga artillery assets ng dalawang bansa. Layon nitong pagtibayin pa ang koordinasyon ng military forces ng dalawang bansa.