
Nasagip ng mga sundalo sa isang istasyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang tatlong mangingisda na dalawang araw nang stranded sa gitna ng karagatan.
Napahiwalay ang bankang sinasakyan ng mga mangingisda mula sa kanilang mother boat dahil sa malalakas na alon.

Naglabas ng pormal na pahayag ang China matapos ang mga komento ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ukol sa Shanghai Cooperation Organization Summit sa Tianjin.
Binigyang-diin ng China na hindi ito ang unang beses na naglabas ng tinatawag nilang “anti-China remarks” ang kalihim

Dinaluhan nina Russian President Vladimir Putin at North Korean Leader Kim Jong Un ang grand military parade na isinagawa ng China sa Beijing.
Para naman kay Department of Defense Secretary Gilberto Teodoro, isang pananakot sa mga maliliit na bansang hindi kaalyado ng China ang naturang grand parade.

Minor damage lamang ang natamo ng isa sa guided missile frigate ng Philippine Navy na lumahok sa bilateral exercise na isinagawa sa Lumut Naval Base sa Perak, Malaysia nitong nakaraang linggo.
Pero dadaan pa ito sa masusing assessment upang matiyak ang tinamong pinsala.

Pinabulaanan ng tagapagsalita ng Philippine Navy ang pahayag ng China na nagsagawa umano ng routine patrol ang mga barko nito sa West Philippine Sea bilang tugon sa Maritime Exercises ng Pilipinas, Australia, at Canada.
Ayon sa Philippine Navy, propaganda lamang ito ng China para pangatwiranan ang kanilang iligal na presensya sa Exclusive Economic Zone ng bansa.