
May mga itinuturing na ‘red lines’ o mga sitwasyon ang Philippine Navy na dapat pag-ingatan ng China upang huwag tuluyang mauwi sa komprontasyon ang tensyon sa West Philippine Sea.
Isa na diyan ang posibleng pagkamatay ng isang Pinoy sa kamay ng mga Chinese habang nasa WPS.
Tuloy naman ang RORE mission sa Ayungin Shoal sa kabila ng pagdami ng mga barko ng China doon na may kasama pang isang tug boat.

Nauunawaan ng sambayanang Pilipino ang banta sa West Philippine Sea at malinaw ang kanilang suporta sa paninindigan ng pamahalaan na ipagtanggol ang ating maritime right ayon sa tagapagsalita ng Philippine Navy sa West Philippine Sea na si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.
Ito aniya ang repleksyon ng lumabas na resulta ng survey ng Octa Research kung saan karamihan sa mga Pilipino ay walang tiwala sa China.

Higit na nakararaming Pilipino ang walang tiwala sa China batay sa pinakabagong Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research.
Pangunahing nakikitang dahilan dito ang patuloy na agresyon ng mga Chinese laban sa mga Pilipino sa mga pinagtatalunang bahura sa West Philippine Sea.

Nagsasagawa naman ngayon ng simultaneous blood donation ang Philippine Army bilang pakikiisa sa komemorasyon ng Araw ng mga Bayani.

Tinanggal na ng mga sundalong Pilipino na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang fishing net na inilagay ng mga Chinese sa bahura.
Hindi pangkaraniwan ang panibagong galaw na ito ng mga Chinese sa Ayungin Shoal ayon sa Philippine Navy ngunit hindi naman umano ito nakakaalarma.