
Sa kabila ng hindi pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng West Philippine Sea sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address, tiniyak ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na patuloy nilang ipaglalaban ang soberanya ng bansa sa harap ng agresyon ng China.

Nagpaabot ng tulong ang provincial government ng Sulu para sa mga nasalanta ng bagyo at habagat.
Samantala, lalo pang lumalaki ang bilang ng mga naapektuhan ng sama ng panahon, kung saan umabot na sa 30 ang nasawi ayon sa Office of Civil Defense.

Tutulong ang Estados Unidos sa isinasagawang humanitarian assistance and disaster response sa bansa dahil sa matinding pagbaha dulot ng sunod-sunod na bagyo at epekto ng habagat.
Sa ngayon, isang KC-135 Stratotanker ang paparating sa Pilipinas dala ang ilang kagamitan na gagamitin sa rescue operations.

Naghahanda na ang Estados Unidos para sa deployment ng kanilang mga tauhan bilang suporta sa disaster response efforts ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pag-ulan.
Inactivate na rin ngayong araw ang ilang EDCA sites sa bansa upang magsilbing pangunahing hub sa pagresponde at paghahatid ng ayuda sa mga apektadong komunidad.

Binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area na may tyansang maging bagyo. Posibleng tahakin nito ang naging ruta ng bagyong Crising noong nakaraang linggo.
Kaya ang Office of Civil Defense, nagpapaalala sa maaapektuhang mga residente na maghanda sa posibleng landslides at pagbaha.