
Nag-deploy ang Philippine Coast Guard ng air asset upang itaboy ang Chinese research vessel na namataan sa hilagang Luzon.
Sa monitoring ng PCG, lumapit pa ang research vessel ng halos 15 nautical miles mula sa Babuyan Island.

Magkakaroon na rin ng maritime exercises ang Pilipinas at India sa West Philippine Sea na idaraos sa susunod na linggo.
Sa gitna ito ng patuloy na pagtutol ng China sa paglalayag sa WPS ng mga barko ng Pilipinas kasama ang mga barko ng mga kaalyadong bansa.

Nasa bansa ngayon ang 4 na barkong pandigma ng Indian Navy bilang bahagi ng kanilang operational deployment sa Southeast Asia.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, resulta ito ng Raisina Dialogue sa New Delhi sa India nitong nakaraang Marso.

Patuloy na minomonitor ng Philippine Coast Guard ang 3 Chinese research vessel na pumasok sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon sa PCG, posibleng magsagawa ng illegal maritime scientific research ang mga barko ng China.

Muling inakusahan ng China ang Pilipinas na umano'y pasimuno ng gulo sa South China Sea. Pero ayon sa Philippine Coast Guard, ang China ang bully at pinagmumulan ng gulo sa pinag-aagawang teritoryo.