
Walang tigil ang pabugso-bugsong pag-ulan sa Metro Manila nitong magdamag kaya ilang mga lugar sa lungsod ang binaha.

Inilabas na ngayong araw ang resulta ng damage assessment sa Pag-asa Reef 1, kung saan sumadsad ang isang Chinese maritime militia vessel noong June 7.
Ayon sa mga eksperto, lalaki pa ang pinsala kung magtatagal pa bago matanggal ang parachute anchor ng barko ng China na sumadsad doon.

Maagang nagpakita ng presensya ang mga barko ng China sa isinagawang naval drills ng Pilipinas at Estados Unidos sa karagatang sakop ng Zambales.
Bahagi ito ng ika-8 Maritime Cooperative Activity ng dalawang bansa.
Sa pagsasanay, isang guided missile destroyer ang ipinadala ng Estados Unidos, habang ginamit naman ng Philippine Navy ang pinakabago at makabagong barko nito, ang BRP Miguel Malvar.

Patuloy pang pinag-aaralan ng Department of National Defense ang panukalang pagbili ng multi-role fighter jets.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kailangang isaalang-alang ang gastos sa operasyon at maintenance ng mga air asset na bibilhin.
Patuloy pang pinag-aaralan ng Department of National Defense ang panukalang pagbili ng multi-role fighter jets. Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kailangang isaalang-alang ang gastos sa operasyon at maintenance ng mga air asset na bibilhin.