
Humihiling ng karagdagang pondo para sa 2026 ang Commission on Elections para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections o BSKE.
Sa 2026 National Expenditure Program, nasa 11.84 billion pesos ang panukalang pondo para sa COMELEC.

Posibleng maging subject ng isang ethics complaint ang ginawa ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez laban sa ilang kawani ng media na humihingi ng panig niya sa isyu ng isang flood control structure sa kanilang probinsya.
Bunsod ito ng matinding alegasyon laban sa media practitioners at paglalantad ng kanilang pribadong impormasyon.

Pinuna ng National Union of Journalists of the Philippines si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez kasunod ng social media post nito.
Ayon sa organisasyon, posibleng may paglabag ang kongresista sa Data Privacy Law at naglalagay sa panganib sa mga kawani ng media.

Nagbigay na ng kanilang obserbasyon sa nilalaman ng 2026 proposed national budget ang ilang civil society organizations na dumalo sa kauna-unahang People’s Budget review ng House Committee on Appropriations.
Plano namang gawing linggo-linggo ng Kamara ang budget review.

Iginiit ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kay Manila 6th District Rep. Benny Abante na walang palyadong flood control projects at ghost projects sa Davao City.
Ito ay matapos magpasaring ng Manila congressman sa pondong natanggap ng Davao City sa ilalim ng Duterte administration.