
Iimbitahan ng House Infrastructure Committee (Infra Comm) ang isang dating Batangas congressman na sangkot umano sa mga anomalya sa mga proyektong imprastraktura sa kanilang distrito.
Bukas naman ang ilang kongresista na mapasailalim sa lifestyle check matapos itong ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kawani ng pamahalaan.

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT-Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na dapat ding maisagawa ang lifestyle check sa House members at senators.
Sa gitna ito ng mga ulat at hinalang may mga sangkot na mambabatas sa mga anomalya sa flood control projects.

Naniniwala ang isang mambabatas na dapat nang magsampa ng reklamo ang Pilipinas sa iba pang international tribunals kaugnay ng agresyon ng China.
Kaugnay naman nito ay naniniwala si House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na panahon na ring bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court.

Aminado ang Civil Service Commission o CSC sa pag-iral ng padrino system sa pagpasok sa gobyerno.
Ginawa nito ang pahayag nang humarap sa House Committee on Appropriations para sa budget deliberations ng ahensya.

Itinanggi ng Presidential Communications Office o PCO ang alegasyong may bayarang vloggers at social media reactors para mai-promote ang PBBM administration.
Samantala, nasilip din ang paglobo ng panukalang pondo ng PCO para sa susunod na taon sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations.