Back

Rosalie Coz

3:41
Politics

DPWH, posibleng may pananagutan sa ghost flood control projects – Rep. Ridon

August 26, 2025 9:25 PM
PST

Iginiit ni House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na posibleng may pananagutan ang Department of Public Works and Highways sa natuklasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ghost project sa Baliuag, Bulacan.

Isang halimbawa nito ang proyektong reinforced river wall sa probinsya.

3:36
Politics

Civil Service Commission, inusisa sa maraming kontraktwal na kawani sa gobyerno

August 26, 2025 8:39 PM
PST

Inusisa ang Civil Service Commission o CSC sa maraming job order at contract of service workers sa pamahalaan sa deliberasyon ng panukalang pondo ng komisyon.

Samantala, pinag-aaralan ng CSC kung anong maaaring maging legal na batayan para tuluyang ipagbawal ang online sugal sa mga kawani ng pamahalaan.

2:08
Politics
Crime & Investigation

Umano’y ghost project sa Bulacan, nasa 2025 National Expenditure Program

August 26, 2025 2:10 PM
PST

Nasa 2025 National Expenditure Program ang natuklasang ghost project sa Bulacan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batay sa pagsasaliksik ni House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.

Samantala, posibleng umpisahan na ang pagdinig ng House Infrastructure Committee sa mga maanomalyang proyektong imprastraktura ng pamahalaan sa susunod na linggo.

4:07
Politics
Crime & Investigation

Audit ng flood control projects, ipinanawagan matapos ang palyadong proyekto sa Batangas

August 26, 2025 2:08 PM
PST

Nanawagan si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ng komprehensibong audit ng flood control projects ng pamahalaan.

Ito ay matapos mapatunayang palyado ang proyekto kontra baha sa isang barangay sa Balayan, Batangas.

4:17
Politics

DPWH district engineer na napaulat na nanuhol, kakasuhan

August 25, 2025 8:10 PM
PST

Sasampahan na ng kaso ni Batangas First District Rep. Leandro Legarda Leviste ang Department of Public Works and Highways Batangas First District Engineer na umano’y nagtangkang manuhol sa kanya upang hindi na imbestigahan ang anomalya sa flood control projects sa kanilang distrito.

Nakakulong na ang district engineer sa Taal Municipal Police Station.