
Ilang kongresista ang humihikayat kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na humarap sa isasagawang pagdinig ng House infrastructure committee o infra comm kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Nagpahayag ng duda sa kredibilidad ng isasagawang pagdinig ang alkalde dahil naniniwala itong may mga mambabatas na sangkot sa katiwalian sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan.

Ipinahayag ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, Chairperson ng House Committee on Public Accounts, na posibleng isama sa gagawing imbestigasyon ng House infrastructure committees o infra comm ang umano’y tangkang panunuhol kay Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ng isang district engineer ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Plano na ng kongresistang magsampa ng kaso laban sa nasabing district engineer.

Itinanggi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang paratang na ‘bully mayor’ siya.
Reaksyon ito ng alkalde sa pahayag ni House Committee on Good Government and Public Accountability Manila 3rd District Rep. Joel Chua.

Naniniwala si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na dapat isama sa ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ang flood control projects sa Maynila.
Sa gitna ito ng pagbaha sa maraming bahagi ng lungsod tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Ipinagtataka ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang aniya’y pagtrato ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa isang proyekto para sa komunidad sa Sta. Cruz sa Maynila.
Kahapon, pinuntahan ng alkalde ang lugar ng proyekto kung saan ipinag-utos ang pagkandado at pagkumpiska ng heavy equipment at iba pang kagamitang pangkonstruksyon.