
Iginiit ngayon ni Manila 3rd District Representative Joel Chua, Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability na legal ang proyektong ipinatatayo sa Sta. Cruz sa Maynila.
Ginawa nito ang pahayag matapos i-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso kahapon ang pagkakandado sa lugar ng proyekto at pagkumpiska sa construction equipment kaugnay ng proyekto.

Ipinahayag ni House Committee on Public Order and Safety at Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na hindi ang Kamara ang nasa likod ng insertions sa 2025 budget.
Kaya pinagsusumite nito ang Department of Budget and Management ng variance report o ulat ng pagkakaiba sa pagitan ng inaprubahang 2025 House General Appropriations Bill at General Appropriations Act.

Tiniyak ni House Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na hindi magagamit ang pagdinig ng House Infra Comm para lang ipagtanggol ang mga mambabatas na isinasangkot sa anomalya kaugnay ng flood control projects ng gobyerno.
Ayon sa mambabatas, kung may personal namang kaalaman si Vice President Sara Duterte sa mga anomalya ay posible rin siyang imbitahan sa pagdinig subalit kinakailangan niyang manumpa sa gagawing salaysay.

Hinihingi ng isang kongresista ang agarang resignation ni Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan kasunod ng pagkahayag sa bilyong pisong halaga ng ghost flood control projects.
Samantala, pinagdududahan naman ang isasagawang pagdinig ng House Triple Committees sa mga maanomalyang flood control projects.

Itinanggi ni House Deputy Majority Leader at Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan Panaligan na siya ang proponent ng mga proyekto kontra baha sa kanilang probinsya.
Ginawa nito ang pahayag matapos ang privilege speech ni Senator Panfilo Lacson kung saan binanggit ang umano’y palyadong flood control projects sa Mindoro na pinondohan umano sa pamamagitan ng congressional insertions.