
Ipinahayag ni House Infra Committee at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na maaaring imbitahan sa pagdinig si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ito ay kung may ebidensyang mag-uugnay sa kaniya sa mga maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Umamin si former Bulacan 1st District Engineer ng Department of Public Works and Highways na si Henry Alcantara na ito ang nagpanukala sa substandard at ghost projects na nadiskubre ni PBBM sa Bulacan.
Samantala, pinagsusumite naman ang mga miyembro ng House Infrastructure Committee ng sulat para i-disclose na wala silang conflict of interest sa ginagawang pagdinig.

Humingi na ng paumanhin si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa mga mamamahayag matapos niyang i-post sa social media ang mga personal na mensahe, pangalan at cellphone numbers ng mga ito.
Kaugnay ito sa panghihingi ng media ng kaniyang panig sa isyu ng isang flood control structure sa kanilang distrito.

Ipinahayag ng Bureau of Customs o BOC na nakikiisa ito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga umano’y iregularidad sa mga luxury vehicle ng pamilya Discaya.
Ayon sa BOC, anumang paglabag gaya ng misdeclaration o hindi pagbabayad ng buwis at duties ay sasailalim sa agarang enforcement actions, alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act.

Inihayag ng Commission on Elections o Comelec sa House Committee on Appropriations na nasa 31 contractors ang campaign donors sa ilang national candidates para sa 2022 presidential elections.
Gayunman, patuloy pa rin ang pagrepaso ng komisyon sa Statements of Contributions and Expenditures o SOCE.