
Binawi na ng political party leaders sa Kamara ang rekomendasyong ibalik ang 2026 National Expenditure Program sa Department of Budget and Management, ayon kay Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez ng Nationalist People’s Coalition o NPC.
Tuloy din ang budget deliberations sa Kamara ngayong araw.

Ipinahayag ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, Co-Chairperson ng House Infra Committee, na sinadyang lokohin ni dating Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineer Henry Alcantara ang pamahalaan sa hindi pagpapatupad ng flood control project sa Baliwag, Bulacan.
Naniniwala rin si Ridon na hindi fall guy o panakip-butas ang dating DPWH official.

Inihayag ng presidente ng isang construction company na isa sa nakakuha ng pinakamaraming flood control projects na may dalawang kaanak itong opisyal sa lokal na pamahalaan sa Sorsogon.
Kabilang ang construction company sa 15 contractors na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects ng pamahalaan.

Ipinahayag ng House Infra Committee Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na maaaring imbitahan sa pagdinig si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kung may ebidensyang mag-uugnay laban sa kaniya sa mga maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Inihayag ng presidente ng isang construction company, na isa sa mga nakakuha ng pinakamaraming flood control projects ng pamahalaan, na may dalawang kaanak itong opisyal sa lokal na pamahalaan sa Sorsogon.
Samantala, nais namang ipa-lifestyle check ang isang opisyal ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) sa gitna ng umano’y “accreditation for sale” scheme.