
Sinagot ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang pahayag na bahagi umano ng ‘political agenda’ ang paghahain nito ng reklamo laban kay DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo.
Kinasuhan ang DPWH official kasunod ng umano’y tangkang panunuhol kay Leviste upang ipatigil ang imbestigasyong ginagawa nito sa mga anomalya at iregularidad sa mga proyekto sa kanilang distrito.

Muling tiniyak ni bagong Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon na pananagutin ang mga opisyal at kawani ng ahensya na sangkot sa ghost projects. Tulad aniya ng ginawang dismissal kay dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
Samantala, may hanggang September 12 ang DPWH para isumite ang amendments o pagbabago sa 2026 proposed budget ng ahensya.

Pirmado na ni House Speaker Martin Romualdez ang subpoena para sa mga contractor na hindi dumalo sa unang pagdinig ng House Infra Committee noong nakalipas na Martes, September 2.
Kinakailangang dumalo sila sa susunod na pagdinig sa September 9, araw ng Martes, dahil kung hindi, posible silang maharap sa contempt at detention order ng Kamara.

Ayaw nang maulit ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang pagkakaroon ng anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.
Kaya naman pag-aaralan niyang mabuti ang panukalang pondo ng ahensya, pangunahin na ang nasa P268.3 billion na halaga ng flood control projects para sa 2026.

Nasa Estados Unidos ngayon si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co para sa medical treatment ayon sa spokesperson ng House of Representatives.
Iniuugnay ang kongresista sa umano’y bilyong pisong halaga ng insertions sa kontrobersyal na 2025 budget.