
Tumanggi sa mga paratang laban sa kanila ang ilang kongresistang idinadawit sa umano’y kickbacks mula sa mga proyekto sa pamahalaan ng mga Discaya.
Ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez, hindi nito papayagang bahiran ang kaniyang integridad o ang institusyong kaniyang pinamumunuan.

Walang kahirap-hirap na lumusot sa House Committee on Appropriations ang panukalang pondo ng opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa taong 2026.
Nasa P27 billion ang proposed budget ng Office of the President.

Isa sa focus ng House Infra Committee hearing sa September 9 ang construction companies na konektado sa mga Discaya.
Tatalakayin din ang isang ghost flood control project sa Plaridel, Bulacan na bunga umano ng budget insertion sa Bicameral Conference Committee para sa 2024 budget.

Agad na tinapos ng House Committee on Appropriations ang deliberasyon sa panukalang budget ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kahit tinangka ng ilang miyembro ng minority bloc sa Kamara na pigilan ang nakagawiang parliamentary courtesy.

Pormal na hiniling ng House Infra Committee sa Department of Justice na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO laban sa may-ari ng Syms Construction Trading na si Sally Santos at dating PCAB Executive Director Atty. Herbert Matienzo.
Ang construction company ay sangkot sa ghost flood control project sa Bulacan.