Back

Rosalie Coz

5:01
Politics

Ex-DPWH official JP Mendoza, isasailalim sa protective custody ng Kamara

September 10, 2025 8:24 AM
PST

Isasailalim na sa protective custody ng House of Representatives ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer na si JP Mendoza.

Ito ay matapos umanong makatanggap siya ng death threats dahil sa kaniyang pagharap sa House Infrastructure Committee at pagbubulgar ng nalalaman nito sa mga maanomalyang proyekto sa Bulacan.

6:45
Politics

Publiko, pinag-iingat ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga kasinungalingan ng mga Discaya

September 10, 2025 8:23 AM
PST

Pinag-iingat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko dahil sa mga kasinungalingan ng mga Discaya, na kilalang may-ari ng malalaking construction firms na kabilang sa mga nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa pamahalaan.

Samantala, inihain na sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyektong pang-imprastraktura, kabilang na ang kontra-baha.

12:07
No items found.

Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa flood control projects issue sa Bulacan

September 9, 2025 8:33 PM
PST

Tahasan nang idinawit ni former Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Asst. Engineer Brice Hernandez sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Nilinaw naman ng kontrobersyal na contractor na si Curlee Discaya na wala siyang direktang transaksyon kina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co.

4:59
Politics

Pagkakasangkot ng ilang senador sa anomalya ng flood control projects, isiniwalat sa HOR hearing

September 9, 2025 6:04 PM
PST

Dumalo sa ikalawang pagdinig ng Infra Committee si Brice Hernandez, ang dating DPWH Bulacan 1st District Asst. Engineer na pinatawan ng contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon.

Dito, isiniwalat ni Brice Hernandez na may ilang senador umano na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

2:48
Politics

Mga kongresistang idinawit ng mga Discaya sa anomalya, hinamong isapubliko ang SALN

September 9, 2025 6:03 PM
PST

Hinamon ng isang kongresista ang mga kapwa mambabatas na isinasangkot ng mag-asawang Curlee Discaya at Sarah Discaya na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN at lumagda ng waiver sa bank secrecy para sa ganap na transparency.