
Inihayag ni Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian na nasa 7 milyong Pilipino ang maaaring maapektuhan dahil sa pagbaba ng pondo para sa Assistance for Individuals in Crisis Situation o AICS sa susunod na taon.
Ito ay kasabay ng kawalan ng alokasyon para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP para sa 2026.

Tinututulan ng ilang kongresista na maging state witness ang Discaya couple kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Ito ay dahil pinaniniwalaang hindi nagsasabi ng buong katotohanan ang mag-asawa.

Pumayag ang House Committee on Appropriations na palawigin ang deadline ng pagsusumite ng Department of Public Works and Highways o DPWH ng revised budget proposal nito para sa taong 2026.
Itinakda naman sa September 17 ang schedule ng budget deliberation ng ahensya.

Pinag-iingat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko sa umano’y mga kasinungalingan ng mag-asawang Discaya.
Kasabay nito, inihain na sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga government projects na umano’y nababalot ng anomalya.

Isasailalim na sa protective custody ng House of Representatives si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer JP Mendoza.
Sinagot naman ni House Infra Comm Co-Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon kung bakit magkaiba ang arrangement ng security nina Mendoza at Brice Hernandez, na kapwa humarap sa pagdinig ng Kamara sa anomalya sa flood control projects.