
Determinado ang administrasyon na ayusin at linisin ang Department of Public Works and Highways na karaniwang kasama sa listahan ng mga most corrupt agencies sa bansa.
Ayon sa bagong kalihim ng ahensya na si Sec. Vince Dizon, ang kaniyang gagawing malawakang reporma sa kagawaran ay base sa direktiba mismo sa kaniya ni PBBM.

Isang independent body ang bubuuin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang magiging trabaho ay imbestigahan at panagutin ang mga sangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Samantala, command responsibility naman ang dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ni Department of Public Works and Highways secretary Manuel Bonoan.

Sinagot na ng Malakanyang ang hamon ng ilang mambabatas na mauna nang magpa-lifestyle check si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kasunod ng naging utos mismo ni PBBM na busisiin ang pamumuhay at ari-arian ng mga opisyal ng gobyerno na iniuugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects, lumutang ang usapin sa pangangailangan ng mas mahigpit na regulasyon o batas laban sa mga mapagsamantalang contractor.
Ilang beteranong senador ang nagpahayag na ng interes na isulong ang mas istriktong polisiya na magbabantay sa mga contractor na pumapasok sa mga proyekto ng pamahalaan.

Kinumpirma ng Malacañang na mayroong ibibigay na bagong posisyon kay dating PNP Chief General Nicolas Torre III.
Gayunman, ayaw pang ianunsyo ng Palasyo ang detalye kaugnay nito hangga’t hindi pa nakukuha ang pagsang-ayon ng former police official.