
Sa gitna ng mga kwestiyon ukol sa nilalaman ng panukalang budget ng Department of Public Works and Highways para sa taong 2026, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang budget department kasama si Secretary Vince Dizon na repasuhin ang budget proposal ng DPWH.

Sa pagpasok ni Secretary Vince Dizon sa Department of Public Works and Highways, agad niyang binuwag ang anti-corruption task force na binuo ni former Secretary Manuel Bonoan.
Samantala, may sagot naman si PBBM sa napapabalitang kasama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa bubuoing independent body.

Ipapaubaya ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa independent commission na bubuuin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Dahil dito, ayon kay Secretary Dizon, agad niyang bubuwagin ang Anti-Corruption Task Force na binuo ni dating Secretary Manuel Bonoan.

Bukod sa paglilinis sa loob ng Department of Public Works and Highways, tututukan rin ni Secretary Vince Dizon ang problema ng baha na naranasan kamakailan ng Metro Manila at iba pang probinsya.
Gayunman, aminado ang bagong hepe ng DPWH na hindi magiging madali ang pagharap sa hamon na ito.

Sa gitna ng isyu sa flood control projects, tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan.
Isang independent commission naman ang binuo ni PBBM na magiimbestiga sa anomalya sa flood control projects.