
Iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na dapat ibalik pa ng Kongreso sa sangay ng ehekutibo ang 2026 National Expenditure Program.
Ayon sa dating Punong Mahistrado, gawin na lamang ng mga mambabatas ang tungkulin nila na busisiin ang ipinasang panukalang budget para sa susunod na taon.

Malapit nang pangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bubuo sa independent body na mag-iimbestiga sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Para kay PBBM, garapalan na ang nangyayaring korupsyon sa mga pinondohang infrastructure projects ng pamahalaan.

Nakatakdang lumagda sa ilang kasunduan ang Pilipinas at Cambodia pagpunta doon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Linggo na ang nakatakdang pag-alis ni PBBM papuntang Cambodia para sa 3 araw na state visit.