
Welcome sa Malacañang ang mga binulgar ng mag-asawang Discaya ukol sa umanoy anomalya sa flood control projects.
Sa kabila nito, iginiit ng palasyo na kinakailangan pa rin ng matibay na ebidensyang makapagtuturo na sangkot ang ilang pulitiko sa anomalya.

Sa ikalawang araw ng state visit ni PBBM sa Phnom Penh, Cambodia, nakapulong ng Pangulo ang mga matataas na opisyal ng naturang bansa.
Lumagda na rin sa kasunduan ang Pilipinas at Cambodia.
Ano anong kasunduan ang nilagdaan ng dalawang bansa at papaano makikinabang rito ang mga Pilipino?

Sa ikalawang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cambodia, makikipagpulong siya sa mga matataas na opisyal duon.
Ilang mahahalagang kasunduan naman ang inaasahang malalagdaan ng dalawang bansa.

Iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na dapat ibalik pa ng Kongreso sa sangay ng ehekutibo ang 2026 National Expenditure Program.
Ayon sa dating punong mahistrado, gawin na lamang ng mga mambabatas ang tungkulin nito na busisiin ang ipinasang panukalang budget para sa susunod na taon.

Malapit nang pangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bubuo sa independent body na mag-iimbestiga sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Para kay Pang. Marcos, garapalan na ang nangyayaring korapsyon sa mga pinondohang infrastructure projects ng pamahalaan.