
Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng pamahalaan sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects. Sang-ayon naman dito ang ilang mambabatas.

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
Ini-anunsyo ito ng Malakanyang sa gitna ng ginagawang imbestigasyon sa flood control projects.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kagabi ang opening ceremony ng 14th WorldSkills ASEAN Competition, ang pinakamalaking pagpapamalas ng professional at technical skills ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN region.
May mensahe naman ang pangulo sa mga kabataan.

Walang nakikitang dahilan ang Department of National Defense upang mabahala sa seguridad ng tropa ng Pilipinas na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sa kabila ng mga ulat hinggil sa pagdami ng presensya ng Chinese vessels.
Nagbabala rin ang DND sa publiko laban sa muling pagkalat ng fake news kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Hindi pa tapos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng mga maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
Matapos ang kanyang pagbisita sa Bulacan at Baguio City noong nagdaang linggo, naging sentro rin ng kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ang paglaban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Tiniyak din ng Pangulo ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga sinasabing anomalya sa flood control projects sa bansa.