
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paggunita sa Ninoy Aquino day ay nagpapakita ng kahandaan ng bansa para sa uri ng pamumuno na inuuna ang pagkakasundo at pagkakaisa sa halip na alitan.
Ayon sa Pangulo, ang ika-42 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay paalala na dapat isabuhay ng mga namumuno ang maayos na pamamahala, may konsensya, at may mas malawak na pananaw para sa kapayapaan.

Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga naiulat na sunod-sunod na krimen na kinasasangkutan ng ilang estudyante at guro.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakarating na sa Pangulo ang mga insidenteng ito at inatasan na ang mga kinauukulang ahensya na umaksyon.

Nagsasagawa ng search and rescue operation ang Chinese Coast Guard at walong Militia ships, 15 to 25 nautical miles sa silangang bahagi ng Scarborough Shoal simula kahapon.
Batay ito sa monitoring ng Sealight Director at Maritime Sea Expert na si Ray Powell.

Naghahanda na rin ang mga pribadong ospital sa posibleng pagdagsa ng mga pasyenteng may leptospirosis.
Nakapanayam natin si Dr. Jose de Grano, presidente ng Private Hospital Association of the Philippines, at tinalakay niya kung may nakikita na ring pagtaas ng kaso sa kanilang panig at kung bakit mas pinipili ng ilang pasyente ang mga pampublikong ospital sa kabila ng kahandaan ng mga pribadong pasilidad sa paggamot ng sakit.

Balik full operation na ang LRT Line 2 bandang alas-4 ng hapon matapos ang pagkaantala.
Ayon sa Light Rail Transit Authority, tinamaan ng kidlat ang catenary wire malapit sa Antipolo Station.