
Sisilipin ng Bureau of Customs ang mga binayarang buwis ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa mamahalin nilang mga sasakyan.

Inuulan ngayon ng batikos online ang viral video ni Samar Governor Sharee Ann Tan kung saan makikitang sumasayaw siya habang pinapaulanan ng pera ng mga panauhin.
Ayon sa ilang netizen, itinuturing nilang marangya ang nasabing video, lalo’t patuloy na nakararanas ng kahirapan ang lalawigan ng Samar.

Idineklara ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur ang August 22, 2025 bilang “Day of Rejuvenation”.
Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga empleyado na magpahinga at makapag-recharge bago ang gaganaping strategic planning.

Sinagot ng opisina ni Senator Robinhood Padilla si Palace Press Officer USec Claire Castro kaugnay sa naging pahayag nito na basahin muli ang bill na isinusulong ng Senador ukol sa panukalang mandatory drug testing sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa Chief of Staff ng Senador na si Atty. Rudolf Philip Jurado, batid nila ang nilalaman ng ruling ng Supreme Court, kung saan binanggit ng Palace Press Officer na unconstitutional ang mandatory drug testing.

Ipinatatawag ng Land Transportation Office ang may-ari ng nasa labing siyam na motorsiklo na nahuli ng PNP Highway Patrol Group dahil sa pagkakarera sa isang bypass road sa San Rafael, Bulacan noong August 17.
Dalawampu't apat ang naaresto ng mga otoridad sa nasabing insidente, kung saan 12 dito ay pawang mga menor de edad na may edad 16 hanggang 17 taon gulang.