
Dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngayong Agosto, ayon sa PAGASA.
Sa ngayon ay isa nang ganap na tropical depression ang binabantayang sama ng panahon sa labas ng PAR.

Nanawagan ang Malakanyang sa Kongreso na huwag abusuhin ang kapangyarihan nito sa proposed national budget.
Ito ay kaugnay na rin ng naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang SONA na dapat umayon sa programa ng administrasyon ang budget sa susunod na taon.

Sinuspinde ng Thai Constitutional Court si Prime Minister Paetongtarn Shinawatra sa gitna ng malawakang kilos-protesta sa Bangkok.Kasunod ito ng pagpayag ng korte na dinggin ang petisyon ng ilang senador na humihiling na patalsikin siya sa pwesto dahil sa umano’y paglabag sa ethical standards.