
Karagdagang 22 hospital, botika, at medical suppliers ang tatanggap na ng guarantee letters mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa ahensya, ito ay bahagi ng mas malawak at karagdagang tulong medikal sa mga Pilipinong mangangailangan.

Binaha ang ilang mga lugar sa lungsod ng Maynila bunsod ng nararanasang mga pag-ulan ngayong araw ng Biyernes.
Maging ang Manila City Hall ay pinasok rin ng baha dahil sa mga pag-ulan.

Hindi magiging problema ang pondo para sa ayuda sa ilalim ng Kapos ang Kita Program o AKAP sakaling maubos ang natitirang budget ngayong taon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, may iba’t ibang mapagkukunan ng pondo ang ahensya at may iba pang programa na maaaring balingan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Mas pina-espesyal ang Wishdate concert noong Linggo dahil sa kauna-unahan ding pagkakataon na hindi lang sa pag-arte sumabak ang isang karakter mula sa palabas, kundi siya mismo ay kumanta live on stage.

Isinusulong ng National Commission of Senior Citizens, katuwang ang Department of Information and Communications Technology, ang digitalization ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nakatatanda.
Layon nitong matiyak na nakasasabay at hindi napag-iiwanan ang mga senior citizen sa digital era.
Kaugnay nito, nanawagan ang ilang nakatatanda na tiyaking tunay na para sa kanilang kapakanan ang layunin ng online access at wala itong kaakibat na ibang agenda.