
Suportado ni bagong Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang bubuoing independent commission ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa bagong opisyal, naniniwala siyang dapat nang itigil ang internal investigation sa sariling ahensya upang maiwasan ang conflict of interest at masiguro ang transparency sa mga imbestigasyon.

Tuloy-tuloy ang isinasagawang expansion ng ‘Benteng Bigas Meron na’ ng pamahalaan.
Ngayong araw, opisyal nang binuksan ito sa mga mangingisda sa Navotas Fish Port.

Handang sumailalim sa lifestyle checking sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Trade and Industry Sec. Ma. Cristina Roque.

Kabilang ang La Verdad Christian College Caloocan sa mga nagwagi sa 5th Sinebata Awards ngayong taon.
Isa na ang LVCC-Caloocan sa mga representative ng Pilipinas sa prestihiyosong Southeast Asia Video Festival sa Bangkok, Thailand.

Muling nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa Department of Health, bagama’t hindi nakamamatay, mabilis makahawa ang sakit kaya’t muling pinaaalalahanan ang publiko na panatilihin ang kalinisan at kalusugan lalo na ng mga bata.