
Matagumpay na idinaos kagabi sa Araneta Coliseum ang Wishdate: Love Tales, na naging highlight ng ika-11 na anibersaryo ng Wish107.5.
Tampok dito ang kwento ng pag-ibig na naghatid ng matinding hugot at kilig sa Wishers.

Nag-viral kamakailan ang video na ipinost mismo ng school principal ng Pisompongan Integrated School sa Midsalip, Zamboanga del Sur.
Dito ipinakita ang mga estudyante na pilit na tumatawid sa sapa upang makarating sa paaralan.
Kanina, mismong ang Department of Social Welfare and Development ang nagtungo sa lugar upang mag-abot ng tulong.

Available na sa KDR Adventure Camp ang kumpletong safety gear at training para sa mga riders.
Layunin nitong matiyak ang ligtas na biyahe, habang pinalalawak ang kaalaman sa tamang pagmamaneho at epektibong pag-iwas sa mga aksidente.
Bahagi ito ng kampanya para sa ligtas na pagmamaneho.

Naglabas ng pahayag ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kaugnay ng desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang 60-araw na suspensyon sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon sa grupo, hindi totoong makikinabang ang mga magsasaka sa pansamantalang import ban dahil puno pa ang mga bodega at wala namang agarang pangangailangan sa dagdag na suplay.

Department of Agriculture, pinag-aaralan ang posibilidad ng total ban sa pag-angkat ng bigas simula Setyembre upang bigyang prayoridad ang lokal na ani at maiwasan ang pagbagsak ng presyo ng palay.