Back

Jun Soriao

1:00
Politics

P6.793-trillion 2026 National Expenditure Program, pormal nang ipinirisinta kay PBBM

August 15, 2025 1:19 PM
PST

Pormal nang ipinirisinta ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P6.793-trillion peso 2026 National Expenditure Program.

Hudyat ito na handa na ang Malakanyang para isumite ang panukalang budget sa kongreso.

1:27
Politics

PBBM, bukas sa ConCon para linawin ang ilang probisyon ng konstitusyon

August 14, 2025 8:24 PM
PST

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubuo ng Constitutional Convention para amiyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ang pahayag ng Malakanyang kasunod ng panawagan na repasuhin ang ilang malabong probisyon sa konstitusyon at makapaghain ng reporma dito.

1:42
No items found.

Posting ng digital copy ng 2026 budget proposal, suportado ng ilang senador

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Suportado ng ilang senador ang mungkahing i-post sa mga opisyal na website ng pamahalaan ang digital copy ng panukalang 2026 national budget.

Layunin ng hakbang na isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Finance, na maipakita sa publiko ang anumang pagbabago sa panukalang pondo.

0:50
Sci-tech

Unang Australian-made rocket launch, bigong umabot sa orbit

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Bumagsak matapos ang 14 na segundong paglipad ang Eris Rocket na gawa ng Gilmour Space Technologies.

Sa kabila nito, itinuturing ng kumpanya at lokal na opisyal na tagumpay pa rin ang misyon, dahil nakalipad ang rocket at nanatiling buo ang launch site.

0:59
Weather & Environment

New York City, isinailalim sa state of emergency dahil sa matinding baha

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Isinailalim na sa state of emergency ang New York City matapos makaranas ng matinding flash flood dulot ng malakas na pag-ulan.

Nagbabala ang National Weather Service ng matinding pagbaha sa Manhattan, Queens, at Bronx, dahil sa matinding buhos ng ulan.