
Inanunsyo ng White House ang planong pagtatayo ng isang bagong ballroom na nagkakahalaga ng 200 million dollars, na matagal nang gusto ni US President Donald Trump.
Sasagutin umano ni Trump at ng mga anonymous donors ang buong gastos sa nasabing proyekto.

Inirekomenda na ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang pagsususpinde ng pasok sa lahat ng antas bukas, July 22.
Nagbabala rin ang ahensya laban sa banta ng landslide at flash floods.

Kinumpirma ng Malacañang na 6 na opisyal ng Bureau of Customs, kabilang si Commissioner Bienvenido Rubio, ang tinanggal sa pwesto.
Hindi ibinahagi ni Palace Press Officer Claire Castro ang dahilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalit ng ilang personnel ng ahensya.
Kinumpirma ng Malacañang na 6 na opisyal ng Bureau of Customs, kabilang si Commissioner Bienvenido Rubio, ang tinanggal sa pwesto.Hindi ibinahagi ni Palace Press Officer Claire Castro ang dahilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalit ng ilang personnel ng ahensya.