
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Pilipinas para sa pagho-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
Lalo na at ito ay isang malaking oportunidad upang maipakita ang mahalagang diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa iba pang bansa.

Pinuna ng ilang kongresista ang Department of Tourism sa umano'y underperformance ng ahensya sa kabila ng malaking pondo.
Mariin naman itong pinabulaanan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at iginiit ang kanilang mga nagawa sa kabila ng limitadong budget.

Malugod na tinanggap ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng isinampang articles of impeachment laban sa kanya.
Ayon sa pahayag ng defense team, malinaw na kinatigan ng hukuman ang probisyon ng 1987 Constitution na nagbabawal sa higit isang impeachment case sa loob ng isang taon.

Binabantayan ng Department of Health ang posibilidad ng hawahan ng ubo’t sipon sa mga evacuation center, lalo na sa mga batang evacuee. Tiniyak ng DOH na may sapat na medical check-up at monitoring sa gitna ng malamig na panahon at dagsa ng evacuees.

Mahigit 4,000 pamilyang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha ang bibigyan ng tulong ng Office of the Vice President ngayong araw ayon kay OVP Spokesperson Atty. Ruth Castelo.
Bahagi pa rin aniya ito ng kanilang ginagawang relief operations sa iba’t ibang apektadong lugar.