
Nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara ang bagong polisiya kontra bullying sa mga paaralan.
Ayon sa ilang magulang at guro, mahalagang may magandang ugnayan sa mga bata upang maiwasan ang karahasan sa kapwa mag-aaral.

Umabot na sa higit ₱17-B ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura na idinulot ng habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
Ayon sa latest situation report ng NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura ay pumalo na sa ₱3.77-B, at ₱14.89-B pesos naman ang pinsala sa imprastraktura.

Naghain ngayong araw ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema ang first complainant sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa mga petitioner, naniniwala sila na mali ang naging ruling ng supreme court sa naturang kaso.

Isa sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation address ay pagpapabuti ng healthcare system sa bansa.
Ngunit para sa isang health advocate, hindi tumutugma ang mga ito sa totoong nangyayari sa healthcare system ng bansa.

Nagpahayag na ng kahandaan ang Department of Tourism para sa hosting ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation Summit sa 2026.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, nakapagsagawa na rin sila ng site inspection sa ilang tourist site sa Cebu na kinokonsiderang pagdausan ng ASEAN summit.