
Bumaba na ang water level sa Marikina River ngayong tanghali, ngunit ayon sa Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi pa rin inirerekomenda ang agarang pag-uwi ng mga lumikas na residente.


Nagpaalala si Vice President Sara Duterte na dapat mas malaking pondo ang ilaan sa disaster risk reduction, lalo’t nasa isang disaster-prone na bansa ang mga Pilipino.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kahandaan sa gitna ng patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Crising at pinalakas na habagat.

Muling inihain sa Kamara ngayong araw ang panukala para sa charter change o ang pagbabago sa ilang bahagi ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
Nauna na itong binuhay ng nakaraang Kongreso ngunit sinalubong ng matinding debate at oposisyon.

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng nawawalang Transport Network Vehicle Service o TNVS driver.
Bukod dito, natukoy na rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil na rin sa lumabas na resulta ng kanilang forensic investigation.