
Tinututukan ng MMDA ang mga hakbang para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila.
Kabilang dito ang panukalang parking ban sa ilang kalsada at paggamit ng adaptive traffic signals sa mga lansangang sakop ng mga LGU.

May agam-agam si Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora kaugnay sa panukalang total parking ban sa buong Metro Manila.
Ayon sa alkalde, hindi makatotohanan o maaaring hindi uubra ang panukalang ito ng DILG.

Ipinasara ng Department of Migrant Workers ang isang visa consulting company matapos mapag-alamang naninigil ng malaking halaga kapalit ng umano’y trabaho sa Amerika.
Samantala, inaalam pa ng DMW kung ano ang kalagayan ng mga nabiktima nito na tuluyang nailipad patungo sa ibang bansa.

Tiniyak ng Department of Migrant Workers na patuloy ang komunikasyon nito sa pamilya ng mga tripulante ng MV Eternity C.
Ito'y matapos na mapag-alamang nasa kamay ng mga rebeldeng Houthi ang siyam sa mga ito.

Nasa kalahating bilyong piso ang nakalaang pondo para sa libreng gamutan ng mga migranteng manggagawa sa OFW Hospital ng Department of Migrant Workers.
Balak rin anila na palawigin ang mga ganitong klaseng serbisyo sa iba pang panig ng bansa.