
Walang impormasyon sa ngayon ang Malacañang kung nasaan ngayon si Vice President Sara Duterte.
Samantala, muling binigyang-diin ng Palasyo na hindi makikialam ang pangulo sa anumang desisyon patungkol sa impeachment ng bise.

Tikom ang bibig ng Office of the Vice President sa kinaroroonan ni VP Sara Duterte sa unang araw ng pagtalakay ng Senado sa kanyang impeachment.
Ngunit tiniyak ng Office of the Vice President na nananatiling hands-on ang Bise Presidente sa kanyang mga tungkulin.
Samantala, pagdating naman sa usapin ng impeachment, ayon sa OVP spokesperson, tuloy ang trabaho sa kanilang opisina anoman ang kahinatnan ng impeachment proceedings.

Hindi pa ilalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pangalan ng mga umano’y sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ito’y dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Tiniyak naman ng Palasyo na handang magpaimbestiga si PBBM kung may iba pang anomalya sa pamahalaan.

Pagkakasyahin sa mga nakalatag na proyekto ang panukalang 903 million pesos na pondo ng Office of the Vice President para sa taong 2026.
Ayon kay OVP Spokesperson Attorney Ruth Castelo, nakahanda rin ang opisina ng pangalawang pangulo sakaling tapyasan pa ang panukalang pondo sa susunod na taon.

Handang magpaabot ng tulong ang Metropolitan Manila Development Authority sa pamunuan ng North Luzon Expressway o NLEX Corporation.
Ito'y sa isasagawang aksyon ng mga ito upang solusyunan ang pagbaha sa naturang highway system.