Back

Evan Alvarez

2:45
Politics

PBBM, nagpaliwanag sa ‘di pagkakasama ng online gambling sa SONA

August 14, 2025 8:24 PM
PST

Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bakit hindi nabanggit ang online gambling sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.

Tiniyak ng Pangulo na kahit hindi ito natalakay sa talumpati, kikilos pa rin ang pamahalaan para tugunan ang mga kaugnay na suliranin, lalo na ang pagkalulong dito ng maraming Pilipino.

1:22
No items found.

Financial assistance para sa pamilya ng 9 na tripulanteng hawak pa rin ng Houthis, tiniyak ng DMW

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Tiniyak ni Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng 9 na tripulante ng M/V Eternity C na nanatiling hawak ng mga Houthi.

Lalo na aniya na pansamantalang nawalan ang mga ito ng financial support mula sa mga tripulanteng pangunahing nagtutustos sa araw-araw na gastusin.

2:03
Politics

PBBM, hinimok ang Indian investors na pagkatiwalaan ang Pilipinas pagdating sa pagnenegosyo

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lupon ng mga investor sa India na magnegosyo sa Pilipinas.

Kasama ito sa mahahalagang agenda ng punong ehekutibo para sa kanyang isinagawang state visit sa naturang bansa.

2:42
Politics

Gov't projects, hindi para sa ratings – PBBM

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga proyekto at programa ng pamahalaan ay hindi isinasagawa para lamang makakuha ng mataas na trust at approval ratings, kundi para sa kapakanan ng taumbayan.

Ayon sa kanya, hindi rin dapat kwestyunin ang mga inuutang ng gobyerno basta’t mamamayan ang direktang makikinabang.

1:22
Politics

Maayos na pananalapi ng Pilipinas at 5.7% GDP noong 2024, ilan sa mga ibinida ni PBBM sa India

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Binida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pilipinas sa kapulungan ng mga Indian businessman at investors sa isinagawang roundtable meeting sa India kahapon.

Kasama sa mga ipinagmalaki ni PBBM ay ang matatag na 5.7% gross domestic product rating ng Pilipinas noong 2024.